Ang balik-mangagawa ay isang proseso kinakailangan ng mga OFW na nagbasyon sa Pilipinas bago dapat bumalik sa bansang pinagtatrabahunan sa parehong amo. Para sa inyong impormasyon ay aking itinala ang mga bagay na dapat gawin at dalhin bago magtungo sa POEA.
Ang POEA ay matatagpuan sa:
EDSA cor. ORtigas Avenue,
Mandaluyong City
Philippines
Bago pumunta sa POEA ay narito ang mga bagay na kinakailangan bago magproseso ng mga dokumento:
1. PASSPORT
2. Entry Visa at Re-employment certificate
3. PhP100.00 para sa Processing Fee
PhP1, 275.00 para sa OWWA Membership Fee at
PhP900.00 para sa PhilHealth/Medicare Coverage
Magtungo sa BALIK-MANGGAGAWA PROCESSING CENTER (BMPC), Service Area kasama ang mga dokumentong nabanggit sa itaas. Kumuha ng Queuing Number at ng OFW information sheet sa pinto ng BMPC at sagutan ang mga hinihinging impormasyon. Hintayin na tawagin ang numerong itinalaga sa'yo.
Kung tinatawag na ang iyong numero ay ipakita ang mga dokumento. Magbayad sa assigned cashier's counter ng halagang nakalagay sa itaas. (end)
REMINDERS:
1. Kung galing kang probinsya o di mo nais naghintay at pumila sa tanggapan ng POEA ay maaari mong gamitin ang "BALIK-MANGGAGAWA EXPRESS". Ito ay paraan kung saan hindi mo na kailangang magtungo at pumila sa kanilang tanggapan. Tumawag lamang sa BALIK-MANGGAGAWA EXPRESS bilang (02) 737-7777 at sagutin ang mga hinihinging katanungan. Ang dokumento ay ipadadala sa inyo sa loob ng 2 araw.
2. Ang POEA ay bukas tuwing araw ng Lunes-Biyernes, 8am-5pm.
3. PRESENT e-RECEIPT OR OEC (AIRPORT COPY) AT THE AIRPORT TERMINAL FEE COUNTER TO AVAIL OF EXEMPTION FROM PAYMENT OF TERMINAL FEE.
4. Maaaring ikaantala (delay) ng flight mo kung hindi ka nagreport sa POEA para sa balik manggagawa dahil ito ay nagsisilbi ring EXIT CLEARANCE mo bago lumabas ng bansa.
5. May balik-manggagawa rin sa AIRPORT ngunit hindi pwedeng doon magreport ang mga OFW na mahigit 2 araw ang bakasyon sa pinas.
6. Pumunta sa OFW CLEARANCE CENTER sa airport for validation ng E-reciept na binigay sa iyo bago magtungo sa loob mismo ng airport.
7. Mas mura ang plane ticket sa loob mismo ng POEA, I suggest na doon na rin kayo bumili kung wala pa kayo nito.
NOTE: para sa mga katanungan, mag-iwan lamang ng mensahe sa COMMENT SECTION ng bawat TOPIC.
GUESTBOOK
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment