GUESTBOOK
Wednesday, September 12, 2007
GUILTY sa PLUNDER
Muli na naman umukit sa kasaysayan ng Pilipinas ang paghatol ng "GUILTY" kay dating Pangulong Erap Estrada para sa kanyang kasong PLUNDER. Ito ay dininig ng 6 na taon sa Sandigang Bayan. Pagkabilanggo mula sa 20-taon hanggang 40-taon o reclusion perpetua ang inihatol sa kanya kaugnay ng kasong nabanggit. Habang ang kanyang anak na si Jinggoy Estrada na ngayon ay Senador at si Atty. Edward Serapio na isang malapit na kaibigan ni Erap ay napawalangsala sa parehong kaso. Mananatili siya sa Tanay kung saan siya na-detain ng 2329 na araw (according to his official site http://www.erap.ph/ as of Sept. 12, 2007) habang pinaghahandaan ng kanyang mga abogado ang pag-file ng motion for re-consideration. Ipinawalang-sala naman ng Sandigang Bayan ang kasong PERJURY laban pa rin kay Dating Pangulong Estrada. Siya ay naabswelto dahil ayon sa Sandigang Bayan ay tama ang ipinasa nitong statement of assets and liabilities ng ito ay maupo sa pwesto bilang ika-13 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Madalian lamang ang nangyaring pagbasa ng hatol sa dating Pangulo. Hindi na kasi binasa ang naging batayan ng mga ito na siya naman nakasaad sa mahigit 200 pahina ng papel. Ito ay ayon sa hiling ng mga abogado ni dating pangulong Estrada. Marami ang naiyak at nalungkot sa naging hatol. Ngunit meron din namang natuwa sa kinalabasan ng kaso. Isa sa mga naiyak ay ang mga kamag-anak ni Erap kabilang ang asawang si Senador Loi Ejercito Estrada, ang anak na si Jinggoy at JV, mga manugang at apo maging ang mga taga suporta at malapit na kaibigan lalo na sa industriya ng sining. Matandaan na naging sikat na action star si Erap bago pasukin ang pulitika. Nag-request ang mga abogado ni Erap kung maaaring magtungo muna sila sa ika-6 na palapag ng sandigangbayan matapos narinig ang hatol nang sa gayon ay mapagusapan nila ang mga susunod na hakbang kaugnay ng naging hatol. Nanatiling matatag si Erap sa kabila ng mga narinig. Hindi niya pa rin nakalimutan kumaway sa mga taga-hanga at taga suporta ng ito ay lumabas ng court room.
Sunday, September 9, 2007
Sa'yo Inay
Tatlong taon ako sayo'y nawalay
Pagkat ako'y nangibang bayan
Ikaw ang inspirasyon sa araw-araw
Laman ng isip sa bawat gabing nagdaan
Hinanap ko ang ngiti sa iyong labi
Pagkat kakaiba ang ating sandali
Pilitin man na ikaw ay balikan
Hindi maari pagkat kailangan
Maging luto mo ay aking hinanap-hanap
Pagkat walang katumbas ang iyong mga sangkap
Tunay ngang walang tatalo sa luto mo Inay
Kahit sa mamahaling restaurant wagi ka pa ring tunay
Ngayong nasa iyong tabi ay aking lulubusin
Ang bawat sandali na tayo'y muling magkapiling
Pagkat ilang araw pa ay muli kang iiwan
Upang ipagpatuloy ang aking nasimulan
Pangako sayo'y muli kang babalikan
Bitbit ang ilang pangarap na aking naisakatuparan
Ihahandog sayo ang lahat ng ito Inay
Dahil wagas ang pag-ibig mo na sa akin ay ibinigay.
Pagkat ako'y nangibang bayan
Ikaw ang inspirasyon sa araw-araw
Laman ng isip sa bawat gabing nagdaan
Hinanap ko ang ngiti sa iyong labi
Pagkat kakaiba ang ating sandali
Pilitin man na ikaw ay balikan
Hindi maari pagkat kailangan
Maging luto mo ay aking hinanap-hanap
Pagkat walang katumbas ang iyong mga sangkap
Tunay ngang walang tatalo sa luto mo Inay
Kahit sa mamahaling restaurant wagi ka pa ring tunay
Ngayong nasa iyong tabi ay aking lulubusin
Ang bawat sandali na tayo'y muling magkapiling
Pagkat ilang araw pa ay muli kang iiwan
Upang ipagpatuloy ang aking nasimulan
Pangako sayo'y muli kang babalikan
Bitbit ang ilang pangarap na aking naisakatuparan
Ihahandog sayo ang lahat ng ito Inay
Dahil wagas ang pag-ibig mo na sa akin ay ibinigay.
Friday, September 7, 2007
Huwag Kang Lalayo
I
Kagandahang taglay sa akin ay humalina
Hindi maipaliwanag nararamdaman sa tuwina
Kapag malayo ka puso ko ay paano na
Hindi mapapakali kung di ka makikita
II
Kakaiba ang taglay mong kagandahan
Lahat halos ng lalaki sa iyo ay sumisilay
Natatakot akong ikaw ay lumisan
At pagmamahal ko ay hindi na balikan
III
Sa iyong pag-alis pabaon ko ay halik
Mananalangin na sana sa akin ay magbalik
Huwag sanang tuldukan ating pagmamahalan
Sa halip ay dugtungan ng matamis na pagtitinginan.
IV
Nakaraan natin sana ay huwag sayangin
Matibay ito 'di tulad ng kastilyong buhangin
Pundasyon ay matatag kaya huwag patitinag
Sa halip ay kumapit ng hindi tayo mabuwag.
Kagandahang taglay sa akin ay humalina
Hindi maipaliwanag nararamdaman sa tuwina
Kapag malayo ka puso ko ay paano na
Hindi mapapakali kung di ka makikita
II
Kakaiba ang taglay mong kagandahan
Lahat halos ng lalaki sa iyo ay sumisilay
Natatakot akong ikaw ay lumisan
At pagmamahal ko ay hindi na balikan
III
Sa iyong pag-alis pabaon ko ay halik
Mananalangin na sana sa akin ay magbalik
Huwag sanang tuldukan ating pagmamahalan
Sa halip ay dugtungan ng matamis na pagtitinginan.
IV
Nakaraan natin sana ay huwag sayangin
Matibay ito 'di tulad ng kastilyong buhangin
Pundasyon ay matatag kaya huwag patitinag
Sa halip ay kumapit ng hindi tayo mabuwag.
Subscribe to:
Posts (Atom)