GUESTBOOK
Wednesday, September 12, 2007
GUILTY sa PLUNDER
Muli na naman umukit sa kasaysayan ng Pilipinas ang paghatol ng "GUILTY" kay dating Pangulong Erap Estrada para sa kanyang kasong PLUNDER. Ito ay dininig ng 6 na taon sa Sandigang Bayan. Pagkabilanggo mula sa 20-taon hanggang 40-taon o reclusion perpetua ang inihatol sa kanya kaugnay ng kasong nabanggit. Habang ang kanyang anak na si Jinggoy Estrada na ngayon ay Senador at si Atty. Edward Serapio na isang malapit na kaibigan ni Erap ay napawalangsala sa parehong kaso. Mananatili siya sa Tanay kung saan siya na-detain ng 2329 na araw (according to his official site http://www.erap.ph/ as of Sept. 12, 2007) habang pinaghahandaan ng kanyang mga abogado ang pag-file ng motion for re-consideration. Ipinawalang-sala naman ng Sandigang Bayan ang kasong PERJURY laban pa rin kay Dating Pangulong Estrada. Siya ay naabswelto dahil ayon sa Sandigang Bayan ay tama ang ipinasa nitong statement of assets and liabilities ng ito ay maupo sa pwesto bilang ika-13 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Madalian lamang ang nangyaring pagbasa ng hatol sa dating Pangulo. Hindi na kasi binasa ang naging batayan ng mga ito na siya naman nakasaad sa mahigit 200 pahina ng papel. Ito ay ayon sa hiling ng mga abogado ni dating pangulong Estrada. Marami ang naiyak at nalungkot sa naging hatol. Ngunit meron din namang natuwa sa kinalabasan ng kaso. Isa sa mga naiyak ay ang mga kamag-anak ni Erap kabilang ang asawang si Senador Loi Ejercito Estrada, ang anak na si Jinggoy at JV, mga manugang at apo maging ang mga taga suporta at malapit na kaibigan lalo na sa industriya ng sining. Matandaan na naging sikat na action star si Erap bago pasukin ang pulitika. Nag-request ang mga abogado ni Erap kung maaaring magtungo muna sila sa ika-6 na palapag ng sandigangbayan matapos narinig ang hatol nang sa gayon ay mapagusapan nila ang mga susunod na hakbang kaugnay ng naging hatol. Nanatiling matatag si Erap sa kabila ng mga narinig. Hindi niya pa rin nakalimutan kumaway sa mga taga-hanga at taga suporta ng ito ay lumabas ng court room.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
This is according to what I heard and seen on TV. Thanks for the time reading my report. BOW~
Post a Comment