Ang balik-mangagawa ay isang proseso kinakailangan ng mga OFW na nagbasyon sa Pilipinas bago dapat bumalik sa bansang pinagtatrabahunan sa parehong amo. Para sa inyong impormasyon ay aking itinala ang mga bagay na dapat gawin at dalhin bago magtungo sa POEA.
Ang POEA ay matatagpuan sa:
EDSA cor. ORtigas Avenue,
Mandaluyong City
Philippines
Bago pumunta sa POEA ay narito ang mga bagay na kinakailangan bago magproseso ng mga dokumento:
1. PASSPORT
2. Entry Visa at Re-employment certificate
3. PhP100.00 para sa Processing Fee
PhP1, 275.00 para sa OWWA Membership Fee at
PhP900.00 para sa PhilHealth/Medicare Coverage
Magtungo sa BALIK-MANGGAGAWA PROCESSING CENTER (BMPC), Service Area kasama ang mga dokumentong nabanggit sa itaas. Kumuha ng Queuing Number at ng OFW information sheet sa pinto ng BMPC at sagutan ang mga hinihinging impormasyon. Hintayin na tawagin ang numerong itinalaga sa'yo.
Kung tinatawag na ang iyong numero ay ipakita ang mga dokumento. Magbayad sa assigned cashier's counter ng halagang nakalagay sa itaas. (end)
REMINDERS:
1. Kung galing kang probinsya o di mo nais naghintay at pumila sa tanggapan ng POEA ay maaari mong gamitin ang "BALIK-MANGGAGAWA EXPRESS". Ito ay paraan kung saan hindi mo na kailangang magtungo at pumila sa kanilang tanggapan. Tumawag lamang sa BALIK-MANGGAGAWA EXPRESS bilang (02) 737-7777 at sagutin ang mga hinihinging katanungan. Ang dokumento ay ipadadala sa inyo sa loob ng 2 araw.
2. Ang POEA ay bukas tuwing araw ng Lunes-Biyernes, 8am-5pm.
3. PRESENT e-RECEIPT OR OEC (AIRPORT COPY) AT THE AIRPORT TERMINAL FEE COUNTER TO AVAIL OF EXEMPTION FROM PAYMENT OF TERMINAL FEE.
4. Maaaring ikaantala (delay) ng flight mo kung hindi ka nagreport sa POEA para sa balik manggagawa dahil ito ay nagsisilbi ring EXIT CLEARANCE mo bago lumabas ng bansa.
5. May balik-manggagawa rin sa AIRPORT ngunit hindi pwedeng doon magreport ang mga OFW na mahigit 2 araw ang bakasyon sa pinas.
6. Pumunta sa OFW CLEARANCE CENTER sa airport for validation ng E-reciept na binigay sa iyo bago magtungo sa loob mismo ng airport.
7. Mas mura ang plane ticket sa loob mismo ng POEA, I suggest na doon na rin kayo bumili kung wala pa kayo nito.
NOTE: para sa mga katanungan, mag-iwan lamang ng mensahe sa COMMENT SECTION ng bawat TOPIC.
GUESTBOOK
Tuesday, October 16, 2007
Monday, October 1, 2007
PROCESS FOR RE-HIRE OF EPS WORKERS
For the benefits ng lahat ng AFC. Narito ang paraan at dapat tandaan at ihanda sa pag-uwi ng pinas at sa pagkuha ng visa.
Kumuha ng plane ticket bago matapos ang iyong kontrata. Magtungo sa labor center 1 month before your contract ends. Together with your Sajang fill-out all the necessary information sa RE-EMPLOYMENT CERTIFICATE FORM pati na rin sa STANDARD LABOR CONTRACT sa pagitan mo at ng iyong amo. (Kung alam naman ng iyong amo ag iyong impormasyon maari ng siya na lamang ang maglagay nito. Huwag kalimutang basahin ang papel bago pumirma. )
15 days bago ang iyong flight ay kailangan ninyong pumunta sa IMMIGRATION upang makakuha ng VISA NUMBER.
Magtungo sa airport dala ang kopya ng iyong RE-EMPLOYMENT CERTIFICATE at ang VISA NUMBER. Dalhin na rin ang iyong kopya ng iyong bagong kontrata.
Magtungo sa departure area para ideclare ang iyong bagahe at least 2hours before para hindi magahol sa oras. 20 Kilos lamang ang required volume ng bagahe. Ipakita ng iyong passport kasabay ng iyong re-employment certificate upang maiwasan ang maraming tanong.
NOTE: tatanungin ka kasi ng staff kung babalik ka pa para magtrabaho uli. Hahanapin ang iyong RE-ENTRY VISA kung OO ang sagot mo. Since tapos na ang 3 years mo ay hindi ka na dapat kumuha ng ng re-entry visa sa halip ay mag-aaplay ka ng panibagong visa sa Korean Embassy dito sa pinas. Kaya naman para maiwasan ang pagpunta ng immigration office sa airport ay ipakita na agad ang iyong RE-EMPLOYMENT CERTIFICATE sa staff para mapadali.
Sa immigration area ng airport ay hahanapin uli ang re-entry visa mo ng immigration staff. Kaya muling ipakita ang RE-EMPLOYMENT CERTIFICATE pati na rin ang iyong lumang VISA. Huwag magtaka kung kanilang kumpiskahin ang lumang VISA dahil hindi mo na ito kailangan pa bago sumakay ng eroplano maging dito sa Pinas. Sa halip ikaw ay mag-aaplay ng bago para muling makapasok ng Korea.
Sa Pinas, maghintay ng isang buwan dahil nasa loob ng kasunduan na hindi ka pwedeng bumalik ng Korea agad-agad. Kailangan mong lumabas ng korea at magpahinga ng isang buwan bago uli makabalik. Kung maaga mo naman nakuha ang cheop soo number mo ay hindi ka pa rin pwedeng pumunta sa embassy. Hindi ka nila ie-entertain dahil nga wala ka pang 1 month dito.
Sa KOREAN EMBASSY
Magdala ng mga sumusunod:
1. Passport (original and xerox copy)
2. Ballpen
3. ID
4. Picture
5. Cheop Soo number (from immigration of korea)
6. 2,500 pesos for visa fee
Magpunta ng maaga sa Korean Embassy na matatagpuan sa 18th Floor Pacific Star Building, Sen. Gil Puyat corner Makati Avenue. Ang oras ng apply ng visa ay nagsisimula ng 9am-11am lamang habang alas-2 ng hapon hanggang alas-4 naman ang releasing nito sa araw na itinakda ayon sa iyong releasing Stub.
Magtungo sa reception desk ng building. IN-COMING VISITORS LANE para sa magpupunta pa lamang at OUT-GOING VISITORS LANE naman para sa mga pauwi na. Kumuha ng form and fill-out all the required data. ( This form include the questions: name, address, and purpose of visiting the embassy etc. ) Ibigay sa receptionist na naroon ang form kasama ang ID matapos itong sagutan. Bibigyan ka ng niya ng isang GUEST ID para makapasok sa Korean Embassy.
Magtungo sa 18th floor.
Sa loob ng korean embassy consular office, kumuha ng form na kailangan (APPLICATION FOR VISA FORM) pati na rin ang waiting number. Fill-out again the form. Ilagay sa upper right ng VISA FORM ang iyong CHEOP SOO number.
Maghintay hanggang tawagin ang iyong numero.
Ipakita lamang ang iyong number at form na sinagutan kasama ang iyong passport sa window 4 kung tinawag na ang iyong number. Kunin ang CLAIM STUB para makuha ang iyong visa sa araw na itinakda. (after 2 working days ay pwede mo ng kunin ang visa kung walang problema nakita sa papeles mo.
Ang mga sumusunod ay tanong na matatagpuan sa APPLICATION FORM FOR VISA
1. Name
2. Birthday
3. Sex
4. nationality
5. Place of birth
6. Passport number/classification/place and date of issue/ issuing authority/ expiry date
7. marital status/spouse name and occupation/ spouse nationality/
8. applicants occupation
9. name and address of present employer/ business number and mobile phone
10. purpose of entry/ probable date of entry/ desired lenght of stay
11. address in the philppines/ phone and mobile number
12. address in korea/ phone/ previous visits
13. have you ever been issued a koean visa YES or NO/ what type of visa/ when/ where
14. have you ever been redused akorean visa YES or NO/ what type/ when / where
15. who will pay for your trip
16. has your korean visa ever been cancelled or revoked
17. countries where have you lived or travelled during the past 5 years
18.Accompanying family
19. guarantor or reference in korea
20. signature and date
SOME IMPORTANT TIPS:
1. expect na mas marami ang tao during monday and the day after holidays.
2. agahan ang pagpunta ng mauna sa pila.
3. wag iwala ang number.
4. make sure na na-accomplish mo ng tama ang form at requirement para di na bumalik sa pila.
5. make friends sa loob ng consular office.
6. mayroon xerox machine sa loob ng office mismo
LAST DECEMBER 10 ay NAG-EMAIL AKO SA ATING SENIOR WELFARE OFFICER AND ATTACHE NA SI MADAM BETH ESTRADA NG PHILIPPINE EMBASSY DITO SA KOREA PARA I-KLARO ANG MGA INFORMATION NA ILALAGAY KO SA GALILEAN NEWSLETTER.
MALIBAN SA MGA NAISULAT SA NASABING NEWSLETTER AY NARITO PA ANG ILANG MGA KOMENTO NI MADAM BETH.
1.Hindi nag-iisyu ang Korean Embassy ng Alien Registration Card. Nagpro-processo lang sila ng visa.
2.Pagdating uli sa Korea, kailangan magsadya sa HRD-Korea at magpatala uli para sa Return Cost Guarantee Insurance at Casualty Insurance (importante ito!)
3.Accdg. to HRD-Korea, lahat ng benefits ng worker, including rehires, ay dapat mafile/makuha bago umalis, kagaya ng Return Cost Guarantee Insurance, Severance Pay at Lumpsum Refund of Pension Contribution.
4. Kailangang isumite ang kopya ng Alien Registration Card at ang Account details sa designated Bank Account sa Pilipinas sa pag-apply ng Lumpsum Refund. Ang lumpsum refund ay ireremit ng National Pension Service sa itinalagang bank account sa Pilipinas pagkatapos mavalidate sa Immigration Service na ang worker ay nakauwi na.

Wednesday, September 12, 2007
GUILTY sa PLUNDER
Muli na naman umukit sa kasaysayan ng Pilipinas ang paghatol ng "GUILTY" kay dating Pangulong Erap Estrada para sa kanyang kasong PLUNDER. Ito ay dininig ng 6 na taon sa Sandigang Bayan. Pagkabilanggo mula sa 20-taon hanggang 40-taon o reclusion perpetua ang inihatol sa kanya kaugnay ng kasong nabanggit. Habang ang kanyang anak na si Jinggoy Estrada na ngayon ay Senador at si Atty. Edward Serapio na isang malapit na kaibigan ni Erap ay napawalangsala sa parehong kaso. Mananatili siya sa Tanay kung saan siya na-detain ng 2329 na araw (according to his official site http://www.erap.ph/ as of Sept. 12, 2007) habang pinaghahandaan ng kanyang mga abogado ang pag-file ng motion for re-consideration. Ipinawalang-sala naman ng Sandigang Bayan ang kasong PERJURY laban pa rin kay Dating Pangulong Estrada. Siya ay naabswelto dahil ayon sa Sandigang Bayan ay tama ang ipinasa nitong statement of assets and liabilities ng ito ay maupo sa pwesto bilang ika-13 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Madalian lamang ang nangyaring pagbasa ng hatol sa dating Pangulo. Hindi na kasi binasa ang naging batayan ng mga ito na siya naman nakasaad sa mahigit 200 pahina ng papel. Ito ay ayon sa hiling ng mga abogado ni dating pangulong Estrada. Marami ang naiyak at nalungkot sa naging hatol. Ngunit meron din namang natuwa sa kinalabasan ng kaso. Isa sa mga naiyak ay ang mga kamag-anak ni Erap kabilang ang asawang si Senador Loi Ejercito Estrada, ang anak na si Jinggoy at JV, mga manugang at apo maging ang mga taga suporta at malapit na kaibigan lalo na sa industriya ng sining. Matandaan na naging sikat na action star si Erap bago pasukin ang pulitika. Nag-request ang mga abogado ni Erap kung maaaring magtungo muna sila sa ika-6 na palapag ng sandigangbayan matapos narinig ang hatol nang sa gayon ay mapagusapan nila ang mga susunod na hakbang kaugnay ng naging hatol. Nanatiling matatag si Erap sa kabila ng mga narinig. Hindi niya pa rin nakalimutan kumaway sa mga taga-hanga at taga suporta ng ito ay lumabas ng court room.
Sunday, September 9, 2007
Sa'yo Inay
Tatlong taon ako sayo'y nawalay
Pagkat ako'y nangibang bayan
Ikaw ang inspirasyon sa araw-araw
Laman ng isip sa bawat gabing nagdaan
Hinanap ko ang ngiti sa iyong labi
Pagkat kakaiba ang ating sandali
Pilitin man na ikaw ay balikan
Hindi maari pagkat kailangan
Maging luto mo ay aking hinanap-hanap
Pagkat walang katumbas ang iyong mga sangkap
Tunay ngang walang tatalo sa luto mo Inay
Kahit sa mamahaling restaurant wagi ka pa ring tunay
Ngayong nasa iyong tabi ay aking lulubusin
Ang bawat sandali na tayo'y muling magkapiling
Pagkat ilang araw pa ay muli kang iiwan
Upang ipagpatuloy ang aking nasimulan
Pangako sayo'y muli kang babalikan
Bitbit ang ilang pangarap na aking naisakatuparan
Ihahandog sayo ang lahat ng ito Inay
Dahil wagas ang pag-ibig mo na sa akin ay ibinigay.

Friday, September 7, 2007
Huwag Kang Lalayo
I
Kagandahang taglay sa akin ay humalina
Hindi maipaliwanag nararamdaman sa tuwina
Kapag malayo ka puso ko ay paano na
Hindi mapapakali kung di ka makikita
II
Kakaiba ang taglay mong kagandahan
Lahat halos ng lalaki sa iyo ay sumisilay
Natatakot akong ikaw ay lumisan
At pagmamahal ko ay hindi na balikan
III
Sa iyong pag-alis pabaon ko ay halik
Mananalangin na sana sa akin ay magbalik
Huwag sanang tuldukan ating pagmamahalan
Sa halip ay dugtungan ng matamis na pagtitinginan.
IV
Nakaraan natin sana ay huwag sayangin
Matibay ito 'di tulad ng kastilyong buhangin
Pundasyon ay matatag kaya huwag patitinag
Sa halip ay kumapit ng hindi tayo mabuwag.

Subscribe to:
Posts (Atom)